Home NATIONWIDE Presyo ng kamatis bagsak-presyo mula Hulyo

Presyo ng kamatis bagsak-presyo mula Hulyo

MANILA, Philippines- Mula sa P200 kada kilo noong nakaraang buwan, bumaba ang presyo ng kamatis hanggang P80 kada kilo.

Dahil dito, ilang magsasaka sa Nueva Vizcaya ang naiulat na itinatapon ang kanilang aning kamatis.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang regional field offices sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley upang suriin ang naiulat na surplus. 

“Either ibigay sa Kadiwa (stores) or dalhin dito sa Metro Manila, tulungan doon sa mga trucking para makarating dito,” pahayag ni De Mesa.

Batay sa pinakabagong monitoring ng DA, pumapalo ang presyo ng kamatis sa P80 hanggang P120 kada kilo.

Upang maiwasan ang malaking surplus sa vegetable harvest, sinisilip ng DA ang ilang lugar bilang lokasyon ng agricultural infrastructures. 

“Doon sa mga lugar na mga key production area, magkaroon ng tamang post-harvest and cold storages kasi those cold storages will prolong the life,” anang opisyal.

“Kasi kung wala ‘yan, in a matter of days mahihinog agad, walang magawa farmer but to dispose it at a very low price,” dagdag ni De Mesa. RNT/SA