Home METRO Batangas isinailalim sa state of calamity sa ASF

Batangas isinailalim sa state of calamity sa ASF

LUCENA CITY- Nagdeklara ang provincial government ng Batangas noong Lunes ng state of calamity sa lalawigan dahil sa pagkalat ng African swine fever (ASF) at epekto nito sa local hog industry.

“The Sangguniang Panlalawigan (SP) of Batangas has approved today, August 12, 2024, the motion for the declaration of the province of Batangas under a STATE OF CALAMITY due to the effects of African Swine Fever (ASF),” pahayag ng Batangas Public Information Office (PIO) sa post nito sa Facebook page.

Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Gov. Hermilando Mandanas ang rekomendasyon batay sa Resolution No. 15.

Bibigyang-daan nito na magamit ng lokal na pamahalaan ang calamity funds nito upang asistihan ang local hog raisers.

Hanggang noong Agosto 9, hindi bababa sa 40 barangay sa Lipa City at mga bayan ng Calatagan, Lian, Lobo, Rosario, San Juan, Talisay, at Tuy ang nakapag-ulat ng ASF cases, base sa Department of Agriculture (DA) sa Calabarzon region. RNT/SA