Home HOME BANNER STORY Presyo ng langis agad sumipa matapos sabihin ni Trump na tapos na...

Presyo ng langis agad sumipa matapos sabihin ni Trump na tapos na ceasefire sa Iran

2
0

ISTANBUL — Halos 6 porsiyento ang itinaas ng presyo ng langis nitong Miyerkoles matapos sabihin ni US President Donald Trump na “over” na ang ceasefire ng US sa Iran, dahilan upang lumakas ang pangamba sa panibagong sigalot at posibleng aberya sa suplay ng langis sa Middle East.

Umakyat ng 5.95 porsiyento sa USD 78.50 kada bariles ang international benchmark Brent crude as of 0837GMT, habang tumaas din ng 5.95 porsiyento sa USD 74.60 ang US benchmark West Texas Intermediate.

“For me, I think it’s over,” pahayag ni Trump sa Ankara, kung saan kasama niya si NATO Secretary General Mark Rutte sa annual summit ng alyansa. “As far as I’m concerned, it’s just a waste of time.”

Dumating ang pahayag ni Trump matapos maglunsad ang US ng bagong serye ng strikes laban sa Iran at bawiin ang waiver na nagpapahintulot sa pagbebenta ng Iranian oil sa global markets.

Kasunod ito ng mga nakaraang pag-atake sa commercial vessels na dumaraan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang energy chokepoint, na nagpalakas ng pangamba na maaaring maapektuhan ng panibagong tensyon ang daloy ng crude at fuel mula sa Gulf.

Sinabi rin ni Trump na ayaw na niyang makipag-ugnayan sa Tehran at gumamit ng matitinding salita laban sa Iranian leaders.

“I don’t want to deal with them, but they’re scum,” ani Trump, kasabay ng pagsasabing Iran “can talk” ngunit “wasting their time” nang tanungin kung magpapatuloy pa ang negosasyon.

Ang pansamantalang US-Iran understanding na naabot noong Hunyo ay kinabibilangan ng pagtigil sa mga pag-atake sa commercial shipping at waiver para sa pagbebenta ng Iranian oil, habang binuksan ang 60-day negotiation period para sa mas malawak na peace deal. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here