Home NATIONWIDE Price guide para sa school supplies inilatag ng DTI

Price guide para sa school supplies inilatag ng DTI

376
0

MANILA, Philippines- Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price guide para sa school supplies para sa darating na pagbubukas ng school year sa Hunyo.

Sinabi ng DTI na ang presyo ng ilang gamit ay nabawasan upang magbigay ng abot-kayang opsyon para sa mga magulang at mag-aaral.

Ang mga presyo para sa apat na SKU ng notebook ay binawasan sa pagitan ng P5.00 hanggang P10.00; para sa 24 na SKU ng pad paper, ibinaba ang mga presyo sa pagitan ng P1.00 hanggang P6.00; at ang isang piraso ng lapis ay mas mura na ng P5.00.

Samantala, ang mga notebook ay may presyo mula P15.00 hanggang P52.00, ang pad paper ay mula P15.00 hanggang P48.75, at ang mga lapis ay nagkakahalaga ng P11.00 hanggang P24.00

Mabibili naman ang mga pen mula P3.00 hanggang P33.00, sharpeners ay mabibili sa presyong P15.00 hanggang P69.00, nanatili naman ang presyo ng pambura sa P4.50 hanggang P20.00

Ang mga krayola sa iba’t ibang box sizes ay pumapalo sa pagitan ng P12.00 hanggang P114.

Pinaalalahanan ng DTI ang publiko na maging maingat sa pagbili ng school supplies. Dapat umanong suriin ng mamimili ang product labels, bilang ng dahon ng notebook at pad papers bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here