Home METRO 2 magkapatid, pinsan todas sa sunog sa Bulacan

2 magkapatid, pinsan todas sa sunog sa Bulacan

238
0

Bulacan – Patay ang dalawang magkapatid kabilang ang pinsan nilang sanggol nang aksidenteng masunog ang kanilang bahay sa bayan ng Bulakan nitong tanghali ng Mayo 30.

Sa report, ang mga kalunos-lunos na biktima ay sina Clouie, 16, Gail, 14 at Jayden Ivan, 1 taong gulang, residente ng Purok 2, Brgy Bambang.

Ayon sa report, nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Angelika, ina ng sanggol bandang alas-12:30 ng tanghali sa Purok 2, Brgy. Bambang.

Base sa impormasyon, si Angelika umano ay nasa trabaho nang ma-trap ang mga biktima sa naturang sunog.

Nabatid na agad namang rumesponde ang mga bumbero nang makarating sa kanila ang impormasyong may nasusunog sa lugar.

Nang maapula ng mga bumbero bandang ala-1:30 ng hapon ang sunog ay tumambad sa kanila ang mga kalunos-lunos na mga biktimang wala nang buhay

Sinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog at sa kabuuang nasirang ari-arian. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here