Home HOME BANNER STORY Princess Abante itinalagang House spox

Princess Abante itinalagang House spox

117
0

MANILA, Philippines- Itinalaga ng House of Representatives ang abogadong si Princess Abante bilang tagapagsalita nito para sa 19th Congress at posibleng maging sa 20th Congress.

Si Abante, anak ni Manila Representative Benny Abante ng Manila, ang unang itinalaga sa posisyon mula noong matapos ang People Power Revolution taong 1986. Sinabi niyang tinanggap niya ang trabaho matapos humingi ng tulong sa kanya ng liderato ng Kamara na maghatid ng “accurate, transparent and truthful information.” 

“What I intend to do is just deliver truthful statements as much as possible, na maintindihan hindi lang ng mga kaibigan natin sa media, kung hindi ng mamamayan rin mismo [that can be understood not only by our friends in the media but by the public itself],” pahayag ni Abante sa isang panayam.

“[Para] mahimay natin ang mga impormasyon [sa paraan] na maiintindihan ng mga tao, [para malaman nila] ano itong mga polisiya na sinusulong ng Kongreso, para saan at bakit nakakabuti ito sa buong bansa,” dagdag niya.

Nakakuha ng journalism at law degrees mula sa University of Santo Tomas, nanungkulan si Abante bilang three-term councilor ng Maynila; pinuno ng Manila Public Information Office; at spokesperson at head ng Communication sa opisina ni Mayor Honey Lacuna. 

Dati siyang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission mula 2005 hanggang 2009 bago pumasok sa Ponce Enrile Reyes and Manalastas law firm bilang isang litigation lawyer, kung saan humawak siya ng high-profile criminal at civil cases.

Sa tanong kung lalampas ang kanyang termino sa 19th Congress na opisyal na matatapos sa June 13, sinabi ni Abante: “Right now, we are still working in the 19th Congress, but I am looking forward to working with all of you as we transition to the 20th Congress.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here