Home METRO Principal, sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Principal, sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

280
0

COTABATO CITY, Philippines – Kritikal na sugatan ang isang principal ng paaralan sa bayan ng Midsayap, Cotabato City matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na siĀ  Arlyn D. Acebar, principal ng Agriculture Elementary School sa Barangay Agriculture, Midsayap, Cotabato City.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Midsayap municipal police station, sa pamumuno ni Lt. Colonel Benhur Catcatan, sinabing kararating lang ng biktima sa harap ng Agriculture Elementary School bandang alas-7 ng umaga sakay ng isang maroon na Toyota Rush nang pagbabarilin siya ng isa sa dalawang lalaking naka-motor.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang mga rumespondeng traffic officer at mga magulang ay isinugod ang biktima sa ospital.

Si Arcebal ay bagong lipat sa Agriculture Elementary School mula sa Salunayan Elementary School bilang bahagi ng reshuffling ng mga school head sa lalawigan ng Cotabato.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here