MANILA, Philippines – Palalawakin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) upang mas marami pang komunidad ang makinabang sa proyekto.
Ayon sa DSWD mula sa kasalukuyang bilang na 310 cities and municipalities sa may 61 na lalawigan, ang Project LAWA at BINHI ay inaasahang madadagdagan sa susunod na taon.
“Dadami na po ang target provinces and LGUs natin, kung this year ay 310 cities and municipalities from 61 provinces, itataas na po natin ito next year sa 323 cities and municipalities sa 67 provinces,” sabi ni Special Assistant to the Secretay (SAS) for Special Projecta Maria Isabel Lanada sa ginanap na DSWD Thursday Media Forum sa New Press Center.
Sinabi pa ni SAS Lanada ang pagpapalawak ay naaayon sa climate outlook ng Department of Science and Technology (DOST) – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) kung saan iniulat na tumaas ang bilang ng mga lalawigan na maaaring tamaan ng El Nino at La Nina.
Kaugnay nito sa kabila naman ng pananatili ng pondo nito sa Php 1.4 billion para ngayong 2025 kaparehas ng budget allocation nitong 2024, umaasa si SAS Lanada na maisasakatuparan pa rin ang mga balakin ng ahensya para sa proyekto.
“Actually si Secretary Rex, last year pa gusto niya ma-institutionalize [ang Project LAWA at BINHI] kasi nga climate change is real, hindi yan kumokonti eh irreversible na ang damage sa Earth, at ang pinaka-apektado, poorest of the poor,” sabi pa ni SAS Lanada.
Samantala, ipinaliwanag ni SAS Lanada ang kahalagahan ng pagpapalawak ng Lawa at Binhi dahil sa lumalalang epekto ng climate change.
Isa aniya sa patunay at senyales ng paglala ng climate change ay ang madalas na pagdating ng mga malalakas na bagyo. Santi Celario