MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections noong Biyernes na may kapangyarihan itong suspendihin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa midterm elections kung mayroon silang mga nakabinbing kaso ng disqualification anuman ang batayan.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na saklaw nito ang mga batayan na nagmumula sa mga isyu sa mga campaign rally ng kandidato at iba pang mga paglabag sa halalan.
Ayon kay Garcia, ang desisyon ay hawak ng Comelec division o ng commission en banc depende sa kasong isinampa.
Aniya, nasa hurisdiksyon ng Comelec ang mga kandidatong may disqualification cases hanggang sa maiproklama at manumpa sa kanilang tungkulin.
Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng pagpapalabas ng ilang show-case order sa iba’t ibang lokal at pambansang kandidato dahil sa umano’y paglabag sa campaign guidelines.
Sinabi rin ng Comelec na nakatanggap ito ng 63 reklamo ng umano’y vote buying at pang-aabuso sa state resources habang papalapit ang national at local elections sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden