Home NATIONWIDE Prosekusyon kumpiyansang may sapat na ebidensya vs VP Sara

Prosekusyon kumpiyansang may sapat na ebidensya vs VP Sara

3
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang House prosecution panel na may sapat silang ebidensya upang patunayan na si Vice President Sara Duterte ay nakagawa ng impeachable offenses, sinabi ni private prosecutor at House prosecution panel spokesperson Atty. Benjamin Tolosa, Jr. nitong Miyerkules, Hulyo 29.

Ito ay tugon sa sinabi ni Senador Pia Cayetano sa social media tampok ang spliced video ni Akbayan party-list Representative Chel Diokno na nagsasalita sa merito ng pagbubukas ng bank account records ni Duterte at ng asawa nito.

Sa video, ipinapakita sina Diokno at Senador Alan Peter Cayetano, na nagpapalitan ng pahayag na may caption na “Nagbabakasakali lang?”

“Congressman Diokno articulated this during the oral arguments: Hindi kami nagbabakasakali na may makita sa mga bank records dahil sigurado kami na merong importante impormasyon sa mga bank records na pinasubpoena namin sa impeachment court,” giit ni Tolosa sa press conference.

“Bakit kami sigurado? Dahil lumabas na yan sa AMLC reports kung saan nakita natin na may P6.7 billion financial transactions involved in the bank accounts of Vice President and her husband. So, hindi kami nagbabakasakali, alam namin mismo ano ang mga bank accounts, saan branch yan, dahil again nandun iyon sa AMLC reports,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy ni Tolosa ay ang testimonya ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa deliberasyon ng House justice committee sa impeachment complaints na inihain laban sa Bise Presidente kung saan sinabi ng AMLC official ang bank transactions na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon at tinukoy bilang ‘covered’ at ‘suspicious’ na nakapangalan kina Duterte at asawa nitong si Manases Carpio. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here