Home NATIONWIDE Proteksyon sa karapatan ng online platform workers, pinasasabatas

Proteksyon sa karapatan ng online platform workers, pinasasabatas

278
0

MANILA, Philippines – Isinampa ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang House Bill 6572 o Protektadong Online Workers, Employees, Riders, at Raketera (POWERR) Bill upang tiyakin ang karapatan at kapakanan ng mga online platform workers kahit ano pa man ang kanilang employment status.

“Marami sa ating mga kabataan at kababayan ngayon ay kumikita bilang online workers, entrepreneurs, riders, at sa tulong ng iba pang raket,” ani Diokno, na binigyang-diin na kahit flexible ang ganitong trabaho, kailangan pa rin ng proteksyon ang mga manggagawa.

“Dapat nating tiyakin na may mga nakalatag na polisiya para kilalanin ang mga karapatan ng ating mga manggagawa sa nasabing larangan, lalo na ang kabataan.”

Kabilang sa probisyon ng panukalang batas ang malinaw na kontrata, makatarungang sahod, night differential, overtime, holiday pay, at benepisyong pang-sosyal tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at maternity benefits.

Pinapayagan nito ang mga manggagawa na bumuo ng unyon, makipag-bargain, at magsagawa ng mapayapang aksyon.

Nagtatakda rin ito ng transparency sa algorithm ng mga platform, proteksyon laban sa maling klasipikasyon ng manggagawa, at pagbabawal sa diskriminasyon batay sa relihiyon, lahi, marital status, edad, kapansanan, o sexual orientation.

Ang paglabag ay may kaukulang multa na PHP100,000 hanggang PHP500,000 at posibleng pagkakakulong, kung saan mananagot din personal ang corporate officers.

“Habang mabilis na nagbabago ang mundo ng trabaho, dapat tiyakin ng gobyerno na walang Pilipino ang maiiwan. Kailangan natin ng mga batas na makasabay sa teknolohikal na pag-unlad at tunay na maprotektahan ang ating mga manggagawa,” ani Diokno. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here