Home HOME BANNER STORY Protesta ikinasa, Remulla bilang Ombudsman tinututulan

Protesta ikinasa, Remulla bilang Ombudsman tinututulan

283
0

MANILA, philippines – Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Korte Suprema ang ilang indbidwal na sumusuporta sa grupong Maisug upang tutulan ang posibleng pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang susunod na Ombudsman.

Binigyang-diin ni Parkba Pangaliwan, na hindi dapat mapwesto sa Ombudsman si Remulla dahil siya ay tuta o bata ng kasalukuyang administrasyon.

Nakakahiya aniya ang isang pulitiko o isang malapit sa Pangulo na maging Ombudsman para lang magnakaw sa kaban ng bayan.

Sinabi pa ni Pangaliwan na ang layunin ng pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman ay para lamang ma-impeach si Vice President Sara Duterte at para maprotektahan ang mga totoong magnanakaw at buwaya sa gobyerno.

Dagdag pa, kung si Alice Guo, Pastor Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte ay madali at agad nilang naaresto, pinuna ni Pangaliwan kung bakit hindi nila kayang arestuhin ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here