Calamba City, Laguna — Itinalagang Officer in Charge-Provincial Director ng Batangas Provincial Office si PCol Meliton Abello Salvadora Jr. bilang kapalit ni PCol Marlon Ventura Rupo na pansamantalang inilagay sa Regional Personnel Holding and Accounting Service (RPHAS).
Tinanggal bilang Batangas Provincial Director si PCol Marlon V. Rufo sa kanyang puwesto para sa patas na imbestigasyon hinggil umano sa kinakaharap nitong reklamo sa tanggapan ng NAPOLCOM na “alleged grave misconduct at unbecoming of a police officer” na isinampa ng isang kapwa nito opisyal na babae.
Ang pagtalaga kay PCol Salvadora sa Batangas Provincial Office ay para sa patuloy na operasyon at serbisyo sa nasabing lalawigan upang mapanatili ang kapayapaan, ugnayan sa komunidad, at maayos na pagpapatupad ng batas. Sa pamamagitan nito, magtitiwala ang mamamayan sa PNP.
Ayon kay PBGen. Hansel M. Marantan, Regional Director ng PRO4 CALABARZON, mahalaga ang stability, accountability, at highest standard of integrity sa police service.
“This reassignment is part of the normal organizational process within the PNP to ensure continuity of public service. It does not in any way affect the ongoing investigation, which will proceed with full impartiality and due process. We remain committed to truth, justice, and integrity,” ani PBGen. Marantan.
Nagpahayag din ng tiwala si Marantan sa kakayahan ng incoming provincial director na pamunuan ang Batangas police force nang may propesyonalismo at pananagutan.
Inulit ng Police Regional Office 4A ang kanilang pangako sa pamamagitan ng transparency at accountability kung saan tinitiyak nito ang kaligtasan ng publiko. Bukod dito, mananatiling walang patid ang serbisyo sa gitna ng mga pagbabago sa pamumuno. / Ellen Apostol