MANILA, Philippines- Balewala sa mga deboto ng Itim na Nazareno ang ulan nitong Lunes sa pag-arangkada ng Traslacion at prusisyon ng Nazareno replicas sa Naga City, Camarines Sur.
Nagsimula ang prusisyon alas-7 ng gabi sa paglisan ng imahe ng Black Nazarene sa Holy Cross Parish sa Barangay Tabuco, ayon sa ulat nitong Martes.
Maraming deboto ang nakibahagi sa prusisyon hanggang Plaza Quezon.
Binasbasan ng isang pari ang mga replika ng imahe ng Black Nazarene na dala ng ilang deboto sa plaza.
Pumila rin ang mga deboto para saPahalik, kung saan maaari nilang hawakan ang bahagi ng imahe ng Itim na Nazareno.
Nagig maayos at mapayapa naman ang gawain, ayon sa parish priest ng Holy Cross Parish.
“Generally, peaceful naman po ang Traslacion natin. Very solemn kaya pasalamat tayo sa Diyos at ginabayan ang mga deboto ng Itim na Nazareno,” pahayag ni Rev. Fr. Eugene Lubigan.
Ayon sa mga awtoridad, nakaantabay ang medical team at mga pulis upang asistihan ang mga deboto.
“Meron tayong ambulance at saka medical team na naka-standby. Meron na ring mga tourist police,” ani Ernesto Elcamel, pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office-Naga CIT.
Nitong Martes ng umaga, mahaba pa rin ang pila ng mga deboto para sa Pahalik.
Ibabalik ang imahe ng Black Nazarene sa Holy Cross Parish sa pamamagitan ng penitential foot procession ngayong Martes ng hapon. RNT/SA