MANILA, Philippines- Itataas ang medical allowance ng mga guro sa pampublikong lugar sa P7,000 simula sa susunod na taon, base sa Department of Education (DepEd).
Sinabi ng DepEd ng ipinag-utos ang medical allowance hike sa ilalim ng Executive Order No. 64, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 2, 2024, kung saan binibigyang-awtoridad ng direktiba ang paggawad ng karagdagang allowances para sa government personnel, kabilang ang public school teachers.
Mas mataas ng 1,300 porsyento ang halagang P7,000 mula sa umiiral na P500 medical allowance para sa government employees sa ilalim ng Department Order No. 28-2020, na nilalayong saklawin ang gastos para sa medical tests.
“If we pool that together, we can secure comprehensive insurance coverage for our teachers,” pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara nitong Huwebes.
“This policy provides coverage for accidental death or dismemberment up to Php 100,000 and medical reimbursement up to Php 30,000 for injuries,” paliwanag pa ng ahensya. RNT/SA