Home METRO Weekend road repairs gugulong sa QC, Caloocan, Makati, Parañaque

Weekend road repairs gugulong sa QC, Caloocan, Makati, Parañaque

MANILA, Philippines- Sasailalim ang ilang kalsada sa Metro Manila sa road reblocking at repairs sa darating na long weekend mula Agosto 22 hanggang Agosto 27, base sa Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes.

Sa abiso, sinabi ng MMDA na magsisimula ang pagkumpuni ng alas-11 ng gabi ngayong Huwebes, Agosto 22, hanggang alas-5 ng umaga sa Martes, Agosto 27.

“Motorists are advised to take alternate routes,” anang MMDA.

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways ng reblocking at repairs sa mga sumusunod na kalsada:

  • Tandang Sora makalampas ng Culiat High School hanggang Allan Bean (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Edsa Southbound (SB) lampas ng West Avenue hanggang lampas ng MRT North Avenue Station (1st lane mula sa gitna), Quezon City

  • Edsa northbound (NB), SM North Edsa Annex hanggang Iglesia ni Cristo (3rd lane mula sa gitna), Quezon City

  • Edsa NB, Quezon Avenue hanggang Philam Footbridge (3rd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Edsa SB Bansalangin St. hanggang West Avenue (3rd lane mula sa gitna), Quezon City

  • Mindanao Avenue sa harap ng Caltex Gas Station (1st lane mula sa gitna), Quezon City

  • Commonwealth Avenue SB, St. Peter Church (footbridge) hanggang Shopwise (4th lane mula sa gitna), Quezon City

  • Edsa SB Lanutan hanggang Bansalangin (1st lane mula sa gitna), Quezon City

  • Gen. San Miguel EB sa pagitan ng Bisig ng Kabataan hanggang A. Mabini St. (1st lane mula sa sidewalk), Caloocan City

  • Sa pagitan ng Edsa Monumento SB at Benin St. (1st – 4th lane mula sa sidewalk), Caloocan City

  • Edsa SB (2nd bus lane) kasunod ng Ayala Tunnel, Makati City

Roxas Boulevard SB, Edsa flyover (3rd lane), Parañaque City. RNT/SA