Home NATIONWIDE Chiz itinangging makikinabang sakaling mapatalsik si VP Sara

Chiz itinangging makikinabang sakaling mapatalsik si VP Sara

MANILA, Philippines- Hindi magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte sakaling mapatalsik ito sa pamamagitan ng impeachment, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sa paliwanag, sinabi ni Escudero na sakaling mabakante ang vice presidential kapag pinatalsik si Duterte, hindi awtomatikong magiging pangalawang pangulo ang senate chief.

“Hindi,” ayon kay Escudero.

“Sang-ayon sa Saligang Batas, kung may mangyari, magbibitiw o kung ano man ang mangyari sa ikalawang pangulo tulad ng kasaysayan natin, yung ikalawang pangulo, si GMA, umakyat bilang pangulo kaya nabakante yung vice president,” paliwanag ni Escudero.

Tinutukoy ni Escudero si Arroyo na naging presidente matapos mapatalsik si dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa korapsiyon na nilitis ng Senado noong 2001.

Pinili ni Arroyo si dating Senador Teofisto Guingona bilang vice president na nakatakda sa batas, ayon kay Escudero.

“Under the charter, Arroyo was allowed to choose her vice president from the members of the Senate and the House of Representatives,” aniya.

Dulot ng majority vote, kinumpirma ng Kongreso ang pagkakatalaga kay Guingona bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, paliwanag pa ni Escudero. Ernie Reyes