Home METRO Public school teachers, non-teaching personnel sa Maynila, makakatanggap na muli ng allowance...

Public school teachers, non-teaching personnel sa Maynila, makakatanggap na muli ng allowance – Yorme Isko

341
0

MANILA, Philippines – Magandang balita ang hatid ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga pampublikong guro at non-teaching personnel dahil simula ngayong Martes, Oktubre 7, 2025 ay makakatanggap muli sila ng kanilang allowance.

Ayon kay Domagoso, malaki ang naitulong upang maibalik muli ang kanilang mga allowance sa nalikom nilang P160 milyong nakolekta nila sa mga contractors na may mga proyektong ginagawa sa lungsod ng hindi kumuha ng kaukulang permiso.

Ayon sa alkalde, ang unang bahagi ng allowance para sa buwan ng Abril na nagkakahalaga ng P25 milyon ay ipamamahagi sa humigit-kumulang sa 11,000 guro at non-teaching staff sa ilalim ng Schools Division Office ng Maynila.

Nabatid kay Yorme na sa tulong ng City Treasurer’s Office, City Legal Office at ng “Sumbong sa Pangulo” plarform ay natukoy nila ang malaking pagkakautang ng mga contractors sa lungsod.

Pinasalamatan nmaan ng alkalde ang mga guro sa kanilang mahabang pasensiya sa paghihintay ng naantalang allowance dahil na rin sa hindi naging maayos na kondisyong pananalapi na kanyang dinatnan.

Giit ni Yorme, kabilang sa kanyang mga prayoridad ay ang edukasyon at kapakanan ng mga kawani sa ilalim ng pangakong maibalik muli ang ningning at dakila ang Maynila. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here