Home HOME BANNER STORY Publiko hinimok ni PBBM na maging kalmado ngunit alerto sa Bagyong Uwan

Publiko hinimok ni PBBM na maging kalmado ngunit alerto sa Bagyong Uwan

326
0

MANILA, Philippines – Inabisuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan.

Sa pahayag nitong Sabado, Nobyembre 8, hinimok ng Pangulo ang mga residente na maghanda at sundin ang safety instructions mula sa mga awtoridad.

“Sumunod sa mga abiso ng inyong LGU at agad lumikas kung kayo ay nakatira sa delikadong lugar. Ihanda ang inyong mga pangunahing pangangailangan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo,” aniya.

“Magkaisa tayo. Ang bawat segundo ay mahalaga,” sinabi pa ni Marcos Jr.

Siniguro rin niya na ang pamahalaan ay nasa taas ng sitwasyon at naka-full alert ang lahat ng national agencies.

“Naka-full alert ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at agad kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.”

Nagpadala na ang transportation agencies ng mga bus at truck para tumulong sa evacuatino habang ang uniformed services at first responders naman ay may rescue equipment, bangka at relief goods na naka-standby sa mga lugar na inaasahang babayuhin ng bagyo.

Sinuspinde rin ang toll fees sa mga emergency convoy at responder habang naglagay din ng special lane para masiguro ang mabilis na pagtugon sa high-risk areas.

“Binuksan din ng ilang mall at gusali ang kanilang mga parking areas para magamit ng mga residente sa mga lugar na madalas bahain,” ayon pa kay Marcos.

Nagpapatuloy naman ang pre-emptive evacuation sa high-risk na lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here