Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat sa sakit sa panahon ng Amihan

Publiko pinag-iingat sa sakit sa panahon ng Amihan

MANILA, Philippines – Patuloy na hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat para makaiwas sa sakit ngayong panahon ng Amihan.

Paalala ng DOH, dapat isagawa ng publiko ang respiratory etiquette tulad ng pagtatakip sa bibig kapag inuubo gamit ang siko, manatili sa bahay kapag may ubo at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig habang nagpapatuloy ang mas malamig na Northeast Monsoon o panahon ng Amihan.

Binigyang-diin ng DOH na ang panahon ng Amihan ay maaring humantong sa pagtaas ng mga kondisyon sa paghinga tulad ng allergy o respiratory infections.

Ang paglamig ng panahon dulot ng Amihan ay kadalasang mga bata at matatanda ang nakakaranas ng sipon kasabay ng pag-ubo kaya naman mahigpit ang paalala ng DOH na iwasang mahawa at makahawa sa kapwa.

“The DOH emphasizes thaht Amihan season can lead to an increase in respiratory conditions such as alleries or respiratory infections “, ayon pa sa DOH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)