Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat vs mga sakit sa tag-init

Publiko pinag-iingat vs mga sakit sa tag-init

163
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaaring makuha ngayong pumasok na ang panahon ng tag-init.

Sa abiso ng DOH, tumataas ang panganib ng heat exhaustion at heat stroke—mga kondisyong maaaring maging malubha at nakamamatay kung hindi agad maagapan.

Ilan sa mga sintomas ng heat stroke ay ang lagnat, pagkahilo, pangangalay, pagkawalan ng malay, at mainit at namumulang balat.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na sundin ang Heat Health Reminders para maging ligtas at maiwasan ang anumang sakit ngayong panahon ng tag-init.

Payo ng DOH, iwasan ang mabibigat na gawaing pisikal mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon; uminom ng 7–8 baso ng tubig kada araw; gumamit ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay; at magsuot ng magaan at maluwag na damit para maging presko ang pakiramdam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here