Home METRO Siklista sugatan sa road rage sa Cainta

Siklista sugatan sa road rage sa Cainta

184
0

CAINTA, RIZAL — Sugatan ang isang siklista matapos masangkot sa road rage incident sa isang motorcycle rider sa kahabaan ng Bonifacio Avenue, Cainta, Rizal noong Linggo ng umaga.

Ipinakita sa isang dashboard camera ng isa pang motorista ang pagtatalo ng cyclist at motorist lagpas 7 a.m., na lumala nang sinadyang banggain ng rider ang cyclist.

Bumagsak ang siklista sa kabilang lane at nabangga ng isang paparating na tricycle.

Sapul ang siklista sa leeg, noo, at mga braso, nawalan ng malay, at nahirapang huminga at igalaw ang leeg. Nasira rin ang kanyang helmet at bisikleta.

Bago ang insidente, sinabi ng siklista na paulit-ulit siyang binubusinahan ng rider at maling inisip ng rider na nagvi-video siya habang kinukunan lang ito ng larawan. Dinala ng ambulansya ang biktima sa ospital para sa karagdagang lunas.

Naghain na ng reklamo ang siklista sa pulisya ng Cainta, na sinabi nilang makikipag-ugnayan sa Land Transportation Office upang tukuyin ang motorcycle rider. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here