Home METRO Pumaslang sa 2 pulis Bocaue, todas sa mga parak sa Cagayan

Pumaslang sa 2 pulis Bocaue, todas sa mga parak sa Cagayan

208
0

BULACAN – Patay ang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis na nakatalaga sa bayan ng Bocaue matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng pulisya na magsisilbi ng Warrant of Arrest (WOA) sa Cagayan nitong Hunyo 4.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Edison Bayumbon alyas “Xander,” pangunahing suspek sa pagpatay kina PSSG Dennis Cudiamat at PSSG Gian George Dela Cruz ng Bocaue Police Station.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:40 ng tanghali sa Brgy. Bacagan, Baggao, Cagayan, nakatakda sanang isilbi ang WOA ng pinagsanib na puwersa ng Baggao Police Station katuwang ang RID2, RID3, RIU-3, RIU2, PIU-CPPO, PIU-Bulacan PPO, 204th Coy, RMFB2, 1st CPMFC, at Bocaue Police Station, ngunit nauwi ito sa engkuwentro.

“‘Di ako papahuli ng buhay!”—ito umano ang sigaw ni alyas Xander bago siya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis sa lugar.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang palitan ng putok, narekober sa lugar ang isang Glock pistol na may serial no. PNP50742 na pinaniniwalaang service firearm ng isa sa mga napaslang na pulis mula sa Bocaue.

Sa isang viral Facebook post at sa kuha ng CCTV footage, makikitang dalawang beses binaril ng suspek—na nagkubli sa poste—ang isa sa mga pulis na tumutugis sa kanya sa kasagsagan ng buy-bust operation noong Marso 8 sa Brgy. Tambubong, Bocaue. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here