Home NATIONWIDE BARMM isasabay na sa July voter registration

BARMM isasabay na sa July voter registration

289
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng voter registration activities sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Comelec Chairperson George Garcia.

Sinabi ni Garcia na nagpasya silang isama ang BARMM sa nationwide resumption ng voter registration sa susunod na buwan upang hindi mawalan ng karapatan ang mga tao sa rehiyon, partikular ang mga nasa edad 15 hanggang 17 taon.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11132, ang BSKE ay nakatakda sa Disyembre 1, 2025.

Sinabi ni Garcia na ang pagsasama ng BARMM sa voter registration activities para sa BSKE ay napapailalim pa rin sa pag-apruba ng Comelec en banc.

Gaganapin ang pagpaparehistro ng botante sa buong bansa para sa BSKE mula Hulyo 1 hanggang 11. Ang BARMM ay una nang hindi isinama dahil sa nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Oktubre 13.

Sinabi ni Garcia na ang mga bagong registrant ay hindi papayagang bumoto sa BPE. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here