Home HOME BANNER STORY Pura Luka Vega arestado sa Maynila

Pura Luka Vega arestado sa Maynila

MANILA, Philippines – Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto na ang kontrobersyal na drag performer na si Pura Luka Vega o may tunay na pangalan na Amadeus Fernando Pagente ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 3, Miyerkules ng hapon, Oktubre 4 sa ikinasang manhunt operation.

Sa panayam kay MPD-Public Information Office Major Philipp Ines, kinumpirma nito ang pagkakadakip kay Vega na isa ring senior health program officer ng Department of Health (DOH) kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno mula sa simbahan ng Quiapo.

Siya ay naaresto sa kanilang bahay sa Hizon St., Brgy. 339, Sta. Cruz, Maynila sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Czarina Encarnacipon Samonte-Villanueva, Preiding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 36.

Si Vega ay may kinakaharap na kasong Immoral Doctrines, Obscene Publicatons and Exhibitions and indecent Shows at Cyber Crime Prevention Act.

Maaalala na si Vega ay nag-viral sa social media kung saan suot nito ang kasuotan ng imahe ng Poong itim na Nazareno habang inaawit ang rock version ng “Ama Namin”. Jocelyn Tabangcura-Domenden