Home NATIONWIDE Purchase booklets ‘di na kailangan sa senior discounts sa mga gamot –...

Purchase booklets ‘di na kailangan sa senior discounts sa mga gamot – DOH

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro J.Herbosa na hindi na kailangan ang booklet ng mga senior citizens upang makakuha ng discounts sa mga gamot.

Ito ay matapos tanggalin sa pamamagitan ng Department of Health AO No. 2024-0017 ang requirement para sa mga senior na magpakita ng purchase booklet sa mga drugstores na may kasamang valid identification at prescription ng doktor upang makakuha lamang ng diskwento.

Ayon kay Herbosa, bilang isa ring senior ay mahirap na magdala pa ng purchase booklet.

Aniya kailangan ng mga matatanda ng diskwento para sa kanilang mga gamot at kailangan itong ibigay sa kanila ng hindi sila nahihirapan.

Sinabi ni Herbosa na sa ngalan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang DOH ay ibinibigay ang regalong ito ng kumbinyente at higit na abot-kayang gamot sa lahat ng senior citizens. Jocelyn Tabangcura-Domenden