Home METRO PWD utas sa lunod sa dam

PWD utas sa lunod sa dam

1
0

BATAAN – Patay na nang matagpuan ang isang 30 anyos na lalaki na isang Person With Disability (PWD) matapos umanong malunod sa isang maliit na Dam Irrigation canal sa Sitio Tabacan, Barangay Sta.Isabel, Dinalupihan.

Kinilala ang biktimang si Noel Fajardo Reyes, 30 anyos na may kapansanan sa pagsadalita at pandinig na residente sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay inulat na nawawala pasado alauna ng hapon na pinaghahanap ng kanyang mga kaanak.

Dahil dito, agad nagkasa ang mga rescuers ng search and retrieval operations sa ilog kung saan una itong nawala.

Pasado alas 6:00 ng gabi ng matagpuan ng mga rescuers ang labi ng biktima na napadpad sa bahagi irrigation dam na nakasabit at naipit umano sa mga bakal.

Sinubukan pang isinugod sa pagamutan ang biktima para magbasakali na maisalba ito, subalit ideneklara na itong dead on arrival.

Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na isailalim pa ito sa awtopsiya upang malaman kung may nangyaring foul play sa pagkamatay nito. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here