Home NATIONWIDE Qatari Amir bibisita sa Pinas ngayong Abril 21 ‘gang 22

Qatari Amir bibisita sa Pinas ngayong Abril 21 ‘gang 22

MANILA, Philippines- Bibisitahin ngayong araw ng Linggo, Abril 21, ni Amir of Qatar, Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani, ang Pilipinas hanggang bukas, Abril 22 bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The two leaders are expected to exchange views on regional issues and to discuss PH-Qatar bilateral relations which now covers cooperation in the areas of labor, climate change, trade and investments, energy security, education, youth, and sports, among others,” ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).

Iniulat ng Peninsula Qatar na matapos ang Pilipinas ay nakatakda namang bisitahin ng Amir ang Bangladesh at Nepal.

“During the tour, His Highness the Amir will hold discussions with the leaders of these countries and their senior officials on ways to enhance cooperation, in addition to discussing a number of issues of common interest. Additionally, agreements and memoranda of understanding will be signed in various fields. His Highness the Amir will be accompanied by an official delegation,” ayon sa naging ulat ng English daily.

Si Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani, ama ni Amir, ang unang Qatari head na bumisita sa Pilipinas. Dumalo ito sa state dinner na hinost ng namayapa at dating Pangulong Benigno Aquino III at sinaksihan ang paglagda sa ilang kasunduan noong Abril 10, 2012, bago pa lumipad pauwi sa parehong araw.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Qatar Lillibeth Pono na ang state visit ni Amir ay “a strong indication of flourishing relations between our two countries.”

“It also provides an excellent opportunity for the two sides to have a personal exchange of views on bilateral issues and foster greater engagement arising from a shared sense of responsibility as regional and global actors,” patuloy ni Pono.

Winika ni Pono na tinapos na ng Pilipinas at Qatar ang 20 agreements, kabilang na ang investments, taxation, air services, labor, pagtatatag ng political consultation mechanism, agriculture, at maging ang economic, commercial, at technical cooperation.

“We are hopeful that during the visit of HH the Amir, we are able to conclude more MOUs (memorandum on understanding) on other key areas of cooperation, particularly in the field of trade, climate change, consular matters, sports, and youth,” dagdag na pahayag nito.

Sa ngayon, sinabi ng Embahada na 270,000 Pilipino ang tinawag ang Qatar ang kanilang tahanan. Kris Jose