Home NATIONWIDE Quiboloy nangako ng death penalty sa corrupt officials

Quiboloy nangako ng death penalty sa corrupt officials

MANILA, Philippines – Kahit naka-detain dahil sa kabi-kabilang reklamo, nakapaglunsad pa rin ng senatorial campaign ang self-appointed son of God at Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader na si Apollo Quiboloy para sa 2025 midterm elections.

Matatandaan na si Quiboloy, ay nananatili sa detention sa Camp Crame, na nagpahayag ng kanyang mga plataporma sa pamamagitan ng
Visayas campaign manager nitong si Alan Tamondong, kasabay ng proclamation rally sa Liloan, Cebu.

Inihayag ni Tamondong ang limang major platforms ni Quiboloy.

Kasama rito ay ang pagpuksa sa korapsyon at ang pagpataw ng death penalty sa corrupt officials.

“Maghimo ta ug balaod nga [magpataw] og death penalty sa mga kurakot—silot sa bisan kinsa nga mapamatud-an nga nakasala sa corruption ug adunay kalabutan sa pondo,” saad sa pahayag ni Quiboloy na binasa ni Tamondong.

Aniya, ipatutupad ng kanyang administrasyon ang zero-tolerance policy sa korapsyon at sisiguruhin na ang pondo ng pamahalaan ay para lamang sa mga proyektong ang makikinabang ay mga Filipino.

“Ako ang mahimong magbalantay sa panudlanan sa nasod aron masiguro nga ang kwarta sa nasod magamit sa hustong tuyoan. Ang kwarta sa nasod, alang ra gyud sa nasod ug dili ni bisan kinsa ra,” saad sa pahayag ni Quiboloy.

Sa kabila ng pagkakakulong ni Quiboloy ay hindi napigilan ang pagnanais nitong sumabak sa politika.

Aktibo naman ang mga lider ng KJC sa pagsasagawa ng house-to-house campaigns at information drives para kay Quiboloy, sa buong Pilipinas. RNT/JGC