Home ENTERTAINMENT Rabiya, dedma sa password ng cellphone ni Jeric!

Rabiya, dedma sa password ng cellphone ni Jeric!

Manila, Philippines- Kung ‘yung ibang showbiz couples ay inaalam ang password ng cell phone ng bawat isa, para malaman/mabisto kung may ginagawa silang kalokohan, sa kaso ng mag-jowa na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, never nilang pinakialaman ang cellphone ng isa’t isa kahit pa matagal-tagal na rin silang magkarelasyon.

‘Yun ang sinabi ni Rabiya sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.

May tiwala naman daw kasi sila sa bawat isa kaya hindi issue sa kanila kung bawal makialam sa kanilang mga gamit na cellphone.

“Dati I have access, we both have access sa phones namin. Ngayon wala na, kasi we trust each other na,” ang pag-amin ni Rabiya kay kuya Boy.

Sabi pa ni Rabiya, kahit masasabing nagsisimula pa lamang ang love story nila ni Jeric, nakapag-build na sila kahit paano ng foundation sa kanilang relationship.

Natanong naman ni kuya Boy si Rabiya kung ano ang kanyang kondisyon para tapusin o tuldukan na ang isang relasyon.

“Siguro kapag hindi na ako mahal. Sa actions, Tito Boy.

“Kapag wala na ‘yung respeto and at the same time, ‘pag mas okay na ‘yung hindi kayo nag-uusap kaysa pinag-uusapan niyo,” dugtong ng dalaga.

Pero handa raw siyang ipaglaban ang lalaki kung meron pa siyang nararamdamang pagmamahal kahit kaunti.

“Pero kung wala na, kahit mahal ko pa siya, let go na,” esplika pa ni Rabiya. Rommel Placente

Previous article3 patay sa tigdas
Next article2 puganteng dayuhan patatalsikin ng Pinas