Home ENTERTAINMENT Rabiya, inireklamo ng cyber libel!

Rabiya, inireklamo ng cyber libel!

Manila, Philippines – Mukhang may bagong pagkakaabalahan si Rabiya Mateo sa mga susunod na araw.

Apart from her daily hosting stint on TikTok Clock and other showbiz commitments ay kailangang i-address ng dating beauty queen ang cyber libel case na kinakaharap niya.

May kaugnayan ito sa reklamong idinulog ng isang cosmetic surgeon sa National Bureau of Investigation.

On her Facebook account, ayon sa ‘di pa pinapangalanang complainant, Rabiya “allegedly exposed and ridiculed her name with foul description of her.”

Ipinost kasi ni Rabiya na hindi raw siya masaya sa resulta ng kanyang rhinoplasty.

December 17, 2023 raw nang sumailalim si Rabiya sa nasabing procedure, at an aesthetic clinic somewhere in Mandaluyong City.

January 18 naman nang ipost ni Rabiya ang kanyang reklamo laban sa cosmetic surgeon on her FB account.

Habang sinusulat ito’y cannot be reached for comment si Rabiya.

Of late, bukod kay Rabiya who confessed to have undergone nose job ay nauna munang ipinost ni Alex Gonzaga sa social media ang kanyang post-noselift look.

While Rabiya claims she’s far from being happy with the result ay kabaligtaran naman ang feeling ni Alex.

Her husband Mikee Morada, however, stated na kung tutuusi’y hindi na raw kailangan ni Alex ang nose job dahil para sa kanya’y maganda naman ito.

As for Alex, inamin niyang last year pa niya binalak sumailalim sa nasabing procedure “after much thought.” Ronnie Carrasco IIi

Previous articlePatay sa Davao de Oro landslide, halos 100 na
Next articleZubiri sa Cha-cha hearings: Senado ‘safe place for ideas’