MANILA, Philippines-Nakatakdang magsagawa ng electronic raffle ng mga party-list group ang Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre18 upang matukoy ang order of listing sa opisyal na balota para sa 2025 midterm elections.
Ito ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ay upang maiwasan ang mga party-list groups na may pangalan na nagsisimula sa 1 o A na mailagay sa una sa balota para sa darating na national at local polls.
Sinabi ni Laudiangco na isasagawang ang raffle ng alas-9 ng umaga at naka-livestream para makita ang pagkakasunod-sunod sa balota at matanggal ang dating nakagawiang 111 at AAA.
“Pagdating po sa party-list, hindi na po alphabetical at may electronic raffle po tayo,” wika ni Laudiangco.
Ang mga sumusunod ay papayagang makilahok sa raffle:
umiiral na party-list groups, organizations, o coalitions na may aktibong registration sa araw ng raffle at naihain na Manifestation of Intent to Participate in the Party-list System na ibinigay ng Komisyon;
mga bagong rehistradong party-list group, organisasyon, o koalisyon na may napapanahong inihaing Manifestation of Intent to Participate in the Party-list System na binigyan ng tamang kurso ng Komisyon.