MANILA, Philippines- Sinimulan ng Filipino Muslims ang unang araw ng Ramadan sa pananalangin nitong Linggo.
Sa ulat, nanalangin at nag-ayuno ang mga Muslim sa iba’t ibang parte ng bansa kabilang ang Isabela, Ilocos Norte, Iloilo, at Davao City.
Ang Ramadan ang pinakabanal na buwan sa Islamic calendar, kung saan nag-aayuno ang mga Muslim mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw, at nag-aalay ng panalangin alinsunod sa katuruan ng Islam.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Ramadan ay panahon ng personal na pagmumuni-muni at “renewed commitment” sa pananampalataya para sa mga kapatid na Muslim.
Samantala, nanawagan si Vice President Sara Duterte ng panalangin para sa kapayapaan at kapatawaran. RNT/SA