
MANILA, Philippines- Sinuspinde ang face-to-face class ngayong Lunes, Marso 3, 2025 sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa matinding init.
Caloocan City – kasado ang asynchronous learning sa kinder hanggang senior high school sa public schools; depende sa pamunuan ng private schools ang pasya sa kanilang mga klase
Las Piñas City – all levels, public at private; magsasagawa ng online o asynchronous learning
- Malabon City – all levels, public at private, magpapatupad ng modular distance learning
Valenzuela City – Kanselado ang in-person classes sa pre-school hanggang senior high school, paiiralin ang online classes kapag umabot sa 42 degrees Celsius ang init ng panahon base sa automatic class suspension ordinance. Nakasalalay sa state/local at private colleges/universities kung kakanselahin ang kanilang klase.
Nakaamba ang “danger” range na 42 hanggang 51 degrees Celsius na heat index sa ngayong Lunes:
Science Garden Quezon City – 46°C
Clark Airport, Pampanga – 46°C
CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 45°C. RNT/SA