Home NATIONWIDE ‘Danger’ level heat index nagbabadya sa 3 lugar ngayong Lunes

‘Danger’ level heat index nagbabadya sa 3 lugar ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Nasa tatlong lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng heat indices sa “danger” range ng PAGASA, na maaaring magresulta sa awtomatikong class cancellations sa ilang lugar.

Ayon sa heat index forecast ng state weather bureau, inaasahang papalo ang heat index sa sumusunod na synoptic stations sa “danger” range na 42 hanggang 51 degrees Celsius ngayong Lunes:

  • Science Garden Quezon City – 46°C

  • Clark Airport, Pampanga – 46°C

  • CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 45°C

Tinukoy sa heat index classification ng PAGASA ang heat index temperatures mula 42°C hanggang 51°C na nasa “danger” level, kung saan “heat cramps and heat exhaustion are likely; heat stroke is probable with continued exposure.”

Inanunsyo ng Caloocan City na ang klase sa mga pampublikong lugar public schools mula kindergarten hanggang high school ay ililipat sa online o asynchronous classes ngayong Lunes dahil sa heat index. Nakadepende naman ang kanselasyon ng klase sa private schools sa desisyon ng school authorities. RNT/SA