Home ENTERTAINMENT Randy, papalit kay Willie sa Wil to Win!

Randy, papalit kay Willie sa Wil to Win!

Manila, Philippines- Kapag nagsimula na ang kampanya para sa pambansang puwesto sa

Pebrero ay hindi muna mapapanood si Willie Revillame bilang host ng kanyang programang Wil to Win.

Ito’y ayon na rin sa itinakda ng batas alinsunod ng Fair Election Code.

Damay rito ang mga personalidad na visible sa radyo, TV, pelikula at maging sa mga patalastas.

Wala pang opisyal na inilalabas na anunsyo mismo si Willie sa kanyang temporary replacement.

Kaya pagpasok ng February, pansamantala munang si Randy Santiago ang titimon ng nasabing programa.

Para sa impormasyon ng lahat, Willie and Randy go a long way.

Noong kasagsagan ng kasikatan ni Randy bilang mang-aawit, si Willie ang isa sa mga Hawi Boys nito.

Buhat noon at magpahanggang ngayon ay nananatiling matatag ang pagkakaibigan nina Willie at Randy.

Ang terminong “hawi” ay literal na tumutukoy sa grupo ni Willie na nanghahawi ng mga fans para sa inaalalayang si Randy.

Fast forward sa present time–magkaiba na ang estado ng dalawang matalik na magkaibigan.

Naging direktor din ni Willie si Randy.

Tanggap naman ni Randy ang tinatamasang tagumpay ni Willie na umaasang magtatagumpay rin bilang senador.

Masasabing ang nangyari kina Willie at Randy ay “reversal of fortune.”

Aminado ang TV host na hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral o hindi man siya abogado’y ang puso niya ay para sa pagtulong sa ating mga nangangailangang kababayan.

Nais kasing patunayan ni Willie na hindi porke artista ay walang karapatan ang kanyang mga kauri sa larangan ng pulitika. Ronnie Carrasco III