Home METRO Rapist na top 8 most wanted sa region, kalaboso

Rapist na top 8 most wanted sa region, kalaboso

QUEZON, Isabela – Kalaboso ang tinaguriang Top 8 Most Wanted Person o TMWP regional level dito sa region 02 matapos isilbi ng mga kapulisan ang kanyang warrant arrest sa Barangay San Juan,Quezon Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Clarence Labasan, hepe ng Quezon Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusado ay kinilalang si alyas Rigor, 34 anyos na residente sa nasabing lugar.

Sa matagumpay na operasyon na pagsilbi ng warrant of arrest na pinangunahan ng nasabing himpilan sa pamumuno ni PMaj. Labasan, PIU-IPPO,PIDMU-IPPO,RMU-2,RIU2-PIT, 3rd Platoon 1st IPMFC at 3rd MP 201st MC-RMFB2 sa kasong Qualified rape of a minor (3 counts) sa ilalim ng kasong kriminal bilang 23-5234-25,23-5235 at 23-5236-20 noong Enero 13, 2025 na binaba sa sala ni Hon. Leif John L Rubino, Presiding Judge of Regional Trial Court ,Second Judicial Region, Branch 23 Roxas, Isabela na walang nirekomendang piyansa at Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-A sa bisa ng mandamiento de aresto sa ilalim ng kasong kriminal bilang 23-5237-25,23-5238 at 23-5239-20 na may kaukulang piyansa na Php 600,000.00.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO