Home NATIONWIDE PCG tumugon sa oil spill sa Laguna

PCG tumugon sa oil spill sa Laguna

MANILA, Philippines – Tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente ng oil spill sa San Pedro, Laguna nitong Lunes, Enero 27.

Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ulat kaugnay sa insidente kaya agad nagsagawa ng inspeksyon at recovery operations.

Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na ang oil spill sa Kengian Complex Warehouse Bldg. 20 Phase na matatapuan sa San Pedro, Laguna ay nakaapekto sa 100 square meters ng San Isidro River.

Nagsagawa ng joint recovery operation ang PCG at City DIsaster Risk REduction Management Office (CDRRMO) San Pedro at naglatag ng 50 meters ng oil spill booms upang maiwasan ang pagkalat ng langis.

Nagpapatuloy ang PCG na binabantayan ang oil spill boom sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden