MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na may estimated market value na P20.4 milyon mula sa tatlong suspek sa Barangay Mahayag, Catbalogan City, Samar nitong Lunes, Enero 27, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw.
Sa pahayag, kinilala ng PDEA ang tatlong suspek na sina alyas Noel, Paul, at Matt.
Bukod sa hinihinalang shabu, nakuha rin ng PDEA ang iba’t ibang drug paraphernalia mula sa mga suspek.
Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC