Home METRO Rapper timbog sa gunrunning

Rapper timbog sa gunrunning

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang singer at rapper para sa local singing group na Breezy Boys dahil sa umano’y pagbebenta ng loose firearms sa isang buy-bust operation sa Malabon City.

Sinabi ni CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III na nasakote ang rapper na si Rovi, kilala bilang si Slick One, kasama ang isa pang suspek matapos magbenta ng .38 revolver sa isang police poseur buyer sa Barangay Tonsuya noong May 9.

Batay umano sa background information, inihayag ni Torre na ang suspek na si “Slick One” ay dating nakilala sa social media dahil sa kanyang mga awit at rapping skills noong miyembro pa siya ng Breezy Boys group.

“Allegedly, he is now a delivery driver, who utilizes the job  in his gunrunning activities,” wika ni Torre.

Ang isa pang naarestong suspek ay isa namang sticker signage installer.

Batay kay Torre, ang dalawang naarestong suspek ay miyembro ng gunrunning group na nagsasagawa ng operasyon sa northern part ng Metro Manila.

“With this successful operation, we significantly prevented the possible utilization  of these criminal group members and firearms in harming the community,” pahayag ni Torre.

Aniya, kinasuhan ang mga naarestong suspek sa National Prosecution dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act),  BP 881 (Omnibus Election Code).

Kasunod ng pagkakahuli kay “Slick One’, inihayag ni Torre na pinaigting na nila ang intelligence-gathering laban sa erring delivery riders para sa posibleng pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad.

“Like these two arrested suspects,  some drivers  are  taking advantage of their delivery job, it became a vehicle of contrabands and illegal items,” pahayag ni Torre.

“It has opened a big opportunity for crime, it’s alarming and must be stopped immediately,” dagdag niya. RNT/SA