Home OPINION RD NCRPO: TAGUMPAY, HUWAG IKALAKI NG ULO

RD NCRPO: TAGUMPAY, HUWAG IKALAKI NG ULO

TUWING Lunes, idinaraos ng National Capital Region Police Office ang Flag Raising and Awarding Ceremonies sa NCRPO Grandstand o kaya naman kapag hindi maganda ang panahon ay sa NCRPO Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at siyempre, sa pangunguna ng regional director nito na si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr.

 Nitong Lunes, ginawaran ng Medalya ng Kagalingan (PNP Medal of Merit) dahil sa katangi-tangi nilang pagganap sa kampanya laban sa iligal na droga ang mga pulis na sina PMaj Edwin Fuggan, PCpt Kenny Khamar Damian Khayad at PSSg Marvin Magalin, pawang mula sa Southern Police District; PSSg Christopher Alvarez at  Pat Cedrick Rabe Calazara mula sa Northern Police District; PCpl Earvin Ferrer mula sa Quezon City Police District, PCpl Nolive  Aure ng Eastern Police District, at Pat Guilbert C Lacsamana mula sa Manila Police District

Habang si PCpt Jazon Lovindino, ng Eastern Police District ay ipinagkalooban ng karangalan dahil sa ginampanan nito sa pinatinding anti-criminality operations.

Dahil sa walang humpay na pagtatrabaho upang mapanatiling maayos at matahimik ang pamayanan sa Metro Manila, pinasalamatan ni RD Nartatez ang lahat ng mga pulis na tuloy-tuloy lang ang trabaho, magkamit man o hindi ng inaasam na karangalan.

Sinabi sa kanyang mga tauhan nitong tough cop ng NCRPO: “Don’t let SUCCESS go to your HEAD and Don’t let FAILURE go to your HEART.”

Tama naman si RD Tateng (palayaw ni Gen Nartatez) na hindi dapat umakyat sa ulo ng sinoman ang tagumpay sapagkat kapag nangyari iyon wala nang kikilalanin ang isang pulis kundi ang kanyang sarili.

Magiging para sa kanya ay siya ang pinakamagaling at hindi na tatanggap  ng pagkatalo. Posibleng ang ganitong pag-uugali ang magtutulak upang magkaroon ng kaaway.

At tama rin ang pahayag ni Gen. Nartatez na hindi dapat matanim sa puso ng isang tao ang kabiguan. Dapat ay laging positibo ang pagtingin sa isang bagay upang sa ganoon ay mapagtagumpayan ang lahat ng hangarin o adhikain sa buhay.

Hindi dapat mabuhay sa mapait na nakaraan at sa halip ay harapin ang bukas ng may pag-asa.

Ang galing talaga nitong RD ng NCRPO. Laging positibo ang aspeto niya sa buhay. Pero ang mga naniniwala sa kakayahan ni Nartatez ay pawang positibo rin na maganda pa ang hinaharap niya sa Philippine National Police. Mayroon pa siyang mahigit tatlong taon na paglilingkod sa bayan at mamamayan.