MANILA, Philippines – Naitala ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinakamataas na ridership noong Miyerkules, Agosto 20 sa mahigit kalahating milyong pasahero.
Tinawag ito ng Department of Transportation (DOTR) bilang isang mabuting balita.
Ayon sa DOTR, ang kabuuang bilang ng mga pasahero na naitala sa MRT-3 noong Agosto 20 ay nasa 500,703.
“This is the line’ highest ridership since the pandemic,” sinabi ng DOTR.
Ang bagong rekord ay tumapat sa Free Ride Day para sa mga pasaherong may National ID na ipinatutupad tuwing Miyerkules ngayong Agosto.
Bago ang naturang record-breaking na bilang, ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong naitala sa MRT-3 ay nasa 481,156 noong Abril 30, 2025.
Bukod sa MRT-3, ang Light Rail Transit 2 ay nagbibigay din ng libreng sakay tuwing Miyerkules ngayong buwan.
Ang libreng sakay tuwing Miyerkules ay ipinatutupad mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga, at alas-6 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi. RNT/JGC