Home NATIONWIDE Regada Festival sa Cavite nauwi sa saksakan; menor de edad patay

Regada Festival sa Cavite nauwi sa saksakan; menor de edad patay

1
0

MANILA, Philippines – Isang menor de edad ang namatay sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Regada Festival sa Cavite City, Cavite.

Sa report, kinilala ang biktima na si Johan Bayani Crisostomo, 17 anyos, residente ng Barangay 60, San Roque, ng nasabing lungsod.

Base sa paunang ulat, nagtamo ang biktima ng matinding tama sa ulo (head trauma) at saksak sa kanang bahagi ng leeg na naisugod pa sa Dr Olivia Salamanca Memorial Hospital subalit idineklarang dead on arrival ito.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at posibleng naging motibo sa pananaksak sa biktima.

Sa kabila ng masayang pagdiriwang ng taonang Regada Festival ay nagdulot ito ng pangamba sa mga dumarayong mga turista sa nasabing lugar.

Patuloy na mensahe ng kapulisan na kung sinumang ang may impormasyon tungkol sa insidente ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang makatulong sa mabilis na paglutas ng nasabing ng kaso. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here