Home HOME BANNER STORY Regalong gustong matanggap ng mga Pinoy sa Araw ng mga Puso, alamin!

Regalong gustong matanggap ng mga Pinoy sa Araw ng mga Puso, alamin!

MANILA, Philippines- Nanguna ang pera sa listahan ng  Valentine’s Day gifts na nais matanggap ng mga Pilipino, ayon sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) national survey na inilabas nitong Linggo.

Isinagawa ang survey nang face-to-face sa 1,200 adults sa buong bansa: tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon (o  Luzon sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao, dagdag ng SWS.

Narito ang “top 10 preferred gifts” na lumabas sa survey sa tanong na: “What gift do you want to receive from your loved one this coming Valentine’s Day?”

  • Pera: 16%

  • Love and companionship: 11%

  • Bulaklak: 10%

  • Kasuotan: 9%

  • Anumang regalo mula sa puso: 5%

  • Mobile phone: 5%

  • Relo at alahas: 5%

  • Maayos na relasyon ng pamilya: 5%

  • Pagkain at grocery items: 3%

  • Chocolates: 3%

Mas maraming babae, o 19 percent ng female respondents, ang humiling ng pera kumpara sa mga lalaki sa 12 percent.

Subalit, mas maraming lalaki ang nais makatanggap ng kasuotan sa 14 percent, na 5 percent para sa mga kababaihan.

“The latest percentage of those very happy with their love life is the highest since the record-high 59% in 2011,” batay pa sa SWS.

Ang survey ay mayroong sampling error margin na ±2.8% para sa national percentages. RNT/SA