MANILA, Philippines – SINABI ng mga international experts sa kanilang pagsasalita sa National Tobacco Administration’s Second International Tobacco Summit na mahalaga ang ‘regional at holistic approach;’ para pag-usapan ang lumalagong krisis sa ‘illicit tobacco trade’; o iligal na kalakalan sa tabako.
Nananatili kasi itong seryosong usapin sa ASEAN na nagpahina sa pampublikong kalusugan, nagpasiklab sa organisadong krimen at itinuturong dahilan ng bilyong pisong pagkalugi ng gobyerno.
Binigyang diin ni Rodney Van Dooren, Regional Illicit Trade Expert ng Philip Morris
International, ang cross-border nature ng illicit tobacco trade at ang kahalagahan ng
pagtutulungan sa pagitan ng ASEAN nations para epektibo itong labanan.
Binalangkas naman ni Van Dooren ang pangunahing rekomendasyon para sugpuin ang illicit tobacco trade, kabilang na rito ang pagsunod sa destination market regulations, pag-isahin ang transit country regulations, paigtingin ang international trade agreements, at palawakin ang kooperasyon maliban sa mga awtoridad ng
customs.
Binigyang-diin nito ang pangangailangan na paigtingin ang umiiral na plataporma
gaya ng World Customs Organization at World Trade Organization para pangasiwaan na mapadali ang mga pagsisikap sa pagpapatupad.
Ang Pilipinas, ayon pa rin kay Van Dooren, ay nagpatupad ng ilang hakbang para tugunan ang mga usapin, kabilang na ang BIR whitelist ng mga aprubadong manufacturers, importers, exporters, at brands para mapahusay pa ang pagpapatupad; temporary ban sa online sales ng e-cigarettes para sugpuin ang unregulated trade; at amiyendahan ang Anti-Agri Smuggling Bill para maisama ang tobacco products.
Sa kabila ng mga pagsisikap na ito, nagpapatuloy pa rin ang iligal na kalakalan dahil sa mataas na demand at makabuluhang price gaps sa pagitan ng legal at illegal tobacco products.
Sa kabilang dako, pinatibay naman ni Australian Security Expert Rohan Pike ang pananaw na ito. Pinag-aralan ni Pike ang illicit tobacco markets sa buong mundo.
Matatandaang, sa isang May 2024 interview sa ABC News, ipinunto nito ang mataas na presyo ng tabako sa Asutralia, nagpasiklab sa black market na dino-dominahan ng organisadong crime groups.
Binigyang-diin naman ni NTA Administrator Belinda Sanchez ang pangangailangan para sa holistic approach para harapin ang ilegal na kalakalan.
Samantala, sinabi naman ng NTA na ang illicit trade ay may masamang epekto sa kabuhayan ng 2.2 milyong Filipino, kabilang na sa mahigit pa sa 430,000 magsasaka at manggagawang bukid na nakasandal sa industriya. KRIS JOSE