MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Department of Public Works and Highways sa rehabilitasyon ng Delpan Bridge sa Maynila.
Kasabay nito ay inabisuhan ng ahensya ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.
Ayon sa ulat, kailangan ang rehabilitasyon matapos na matukoy ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na ang Delpan Bridge ay kailangan na ng retrofitting bilang paghahanda sa posibilidad ng lindol.
Maaalalang sumailalim din sa rehabilitasyon ang EDSA-Kamuning flyover at Quezon Avenue flyover.
Ang mga apektadong motorista ay inaabisuhan na gamitin ang service road o tumaan sa ilalim ng Delpan Bridge habang isinasagawa ang retrofitting. RNT/JGC