Home NATIONWIDE Rehistradong unconsolidated jeep lang pwede ‘gang Abril 30 – LTO

Rehistradong unconsolidated jeep lang pwede ‘gang Abril 30 – LTO

MANILA, Philippines- Pinapayagang bumiyahe ang unconsolidated public utility vehicles (PUVs) hanggang Abril 30 basta’t rehistrado ang mga ito, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes.

Binanggit ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III ang Memorandum Circular 2024-001 na naglabas ng alituntunin sa konsolidasyon sa panahon ng extension at naggawad ng provisional authority sa pa makapasada ang unconsolidated individual operators hanggang sa extension ng consolidation deadline sa Abril 30.

“Confirmation of units of unconsolidated individual operators may be allowed until April 30, 2024. The said units are allowed to ply the route as PUV only within the said period,” saad sa memorandum.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na payagan ang three-month extension para sa industry consolidation component ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Nakatakda rin sa memorandum ang alituntunin sa paghahain ng aplikasyon para sa konsolidasyon. RNT/SA