Home NATIONWIDE Reklamo vs Villanueva sa flood-control case, nasa preliminary investigation na

Reklamo vs Villanueva sa flood-control case, nasa preliminary investigation na

7
0

MANILA, Philippines – Nasa preliminary investigation na ang reklamo laban kay Senator Joel Villanueva kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood-control project ng pamahalaan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Lunes.

“’Yung nga, for PI [preliminary investigation] na,” ani Remulla nang tanungin tungkol sa estado ng reklamo laban sa senador.

Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye hinggil sa isinasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Remulla, sinusuri ng Office of the Ombudsman ang dalawa hanggang tatlong reklamo laban sa mga senador, at isa rito ang handa nang ihain sa Sandiganbayan.

“Dalawa o tatlo, ’yan ang tinitingnan namin kung mahihinog na. Pero ’yung isa hinog na hinog na para i-file sa Sandiganbayan,” aniya.

Kinilala niya si Senator Rodante Marcoleta bilang mambabatas na nakatakdang sampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan ngayong linggo.

Noong Mayo 26, sinabi ni Remulla na maaaring magsampa ang Ombudsman ng kasong plunder laban kay Villanueva sa Sandiganbayan sa loob ng dalawang linggo kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa flood-control controversy.

Noong Hunyo 19, kinuwestiyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang pagkaantala ng pagsasampa ng kaso laban kay Villanueva at sinabing kasabay ito ng mga kamakailang political realignment sa Senado, kabilang ang naiulat na paglipat niya sa majority bloc na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here