Home NATIONWIDE Reklamong perjury, disobedience vs Alice Guo, target ng Senado

Reklamong perjury, disobedience vs Alice Guo, target ng Senado

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Senate legal department ang posibleng paghahain ng perjury at disobedience laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules, Agosto 21.

“Nag-usap na kami [at] pinadala na namin sa Senate Legal at pag-aaralan nila kung sino ang gagawa ng affidavit kasi syempre hindi naman si Senator Win at si Senator Risa [Hontiveros] mismo ‘yung may personal knowledge kaugnay nung pagsisinungaling o hindi pagsunod sa subpoena,” pagbabahagi ni Escudero.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na itutuloy ng Senado ang paghahain ng mga kaso laban kay Guo.

Ani Escudero, ipatutupad ng mga miyembro ng Senate Office of Sergeant-at-Arms (OSAA) at iba pang empleyado ng Senado ang complaint affidavit sa ilalim ng batas.

“Para naman airtight ‘yung kaso [at] hindi ‘yung madi-dismiss. Wala na nga rito, madi-dismissan pa kami ng kaso, nakakahiya naman. Ayusin na namin nang tama,” sinabi pa ni Escudero. RNT/JGC