Home NATIONWIDE Religious organizations nanawagan sa Senado: Gampanan ang trabaho

Religious organizations nanawagan sa Senado: Gampanan ang trabaho

205
0

MANILA, Philippines – Nakiisa ang religious organization na One Faith, One Nation, One Voice sa lumalagong panawagan ng publiko para sa Senado na gampanan ang kanilang tungkulin sa konstitusyon at magpatuloy sa proseso ng impeachment.

“It is imperative that the impeachment process continues. Elected officials must not run roughshod over the people’s desire for truth, justice, and accountability. Let no corner be cut, let no stone be left unturned, let every credible witness and relevant evidence be presented,” ayon sa pahayag ng organisasyon.

Ang Senado bilang impeachment court ay nagconvene nitong Martes, Hunyo 10, matapos manumpa ang mga senator-judges.

Gayunman sa pinagbotohan na 18-5, ang articles of impeachment ay ibalik sa Kamara de Representantes.

Inihain ni Senator Alan Peter Cayentano ang mosyon, na nilinaw na ang pagbabalik ng kaso sa mababang kapulungan ay hindi katumbas ng dismissal o termination.

Sinabi ng religious organization na mahalaga ang transparency sa impeachment process na binigyang-diin na dapat isagawa nang walang labis na pagmamadali sa isang panig at may pansin sa angkop na proseso at ang bigat ng mga kaso sa kabilang panig.

“All Senators and Congress Representatives involves must rise above partisan politicis to ensure public trust for the entire process. If not, the betrayal of public trust will become layers deep,” dagdag pa ng organisasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here